MGA UNIBERSIDAD, MAGPAPAKITANG-GILAS SA MURATA'S 2ND ROBOTICS COMPETITION Matinding laban ng talino at technology ang masasaksihan ngayong araw sa Driving Technological Advancement: Murata's 2nd Robotics Competition, kung saan magtatagisan ng galing ang ilan sa pinakamahusay na unibersidad sa bansa sa larangan ng robotics ngayong Lunes, Marso 10, sa First Philippine Industrial Park (FPIP), Brgy. Pantay Bata, Tanauan City, Batangas. Ang kumpetisyon ngayong taon ay may Free Style Competition, kung saan ipapakita ng mga kalahok ang kanilang innovative design at estratehikong maneuver gamit ang makabagong teknolohiya. Kabilang sa mga kalahok ang Adamson University, Mapua University, Polytechnic University of the Philippines - Santa Rosa Campus, Technological University of the Philippines - Manila, De La Salle Lipa, at Batangas State University, The National Engineering University. Ang itatanghal na Champion ay mag-uuwi ng Medalya, tropeo, at P50,000; First Runner-up – P30,000 at Medalya; Second Runner-up – P20,000 at Medalya. Dinaluhan ang event ng mga kinatawan mula sa DOST-TAPI, PEZA, Erovoutika, Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc., at FPIP, na sumusuporta sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiyang pang-inhinyeriya sa bansa. Ayon sa Murata, ang kompetisyong ito ay bahagi ng kanilang misyon na paigtingin ang kultura ng pagkamalikhain at kahusayan sa larangan ng robotics at engineering. | JMP, BChannel NEWS
Comments (0)
No comments yet. Be the first to comment!