Murata Robolution: Robotics & Automation Competition 2025 is now happening Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc. MGA HIGH SCHOOL STUDENTS SA BANSA, MAGPAPAKITANG-GILAS SA MURATA'S EROVOUTHON 2.0 COMPETITION Isang matinding laban ng talino at teknolohiya mula sa mga Junior High School students ang masasaksihan ngayong araw sa Murata's Erovouthon 2.0 Competition, ngayong Biyernes, Marso 14, sa Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc., First Philippine Industrial Park (FPIP), Brgy. Pantay Bata, Tanauan City, Batangas. Ang bawat kalahok ay magpapakita ng kanilang proyekto o imbensyon na may positibong epekto sa kapaligiran at komunidad, gamit ang mga teknolohiyang tulad ng Bluetooth, Wi-Fi, GSM, iba pang wireless controls, camera image processing, at computer vision. Ang criteria for judging ay binubuo ng Electronics Management na may 20%; Innovativeness na may 30%; Creativity na may 30% at Relevance na may 20%. Kabilang sa mga kalahok ang Santa Rosa Science and Technology High School, Calamba City Science Integrated School, De La Salle University – Dasmariñas High School, Batangas City Integrated High School, Lipa City Science Integrated High School, at San Pablo City Science Integrated High School. Ang Champion ay mag-uuwi ng medalya, tropeo, at P50,000; ang First Runner-up ay makakatanggap ng P35,000 at medalya; at ang Second Runner-up ay tatanggap ng P25,000 at medalya. Magkakaroon din ng Consolation Prize na P10,000 para sa mga hindi mapapabilang sa Top 3. Dinaluhan ang event ng mga kinatawan mula sa DOST-TAPI, Erovoutika, at Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc., na patuloy na sumusuporta sa pag-unlad ng teknolohiyang pang-inhinyeriya sa bansa. Ayon sa Murata, ang kompetisyong ito ay bahagi ng kanilang misyon na pausbongin at paigtingin ang kultura ng pagkamalikhain at kahusayan sa larangan ng robotics at engineering.| BChannel NEWS